^

Bansa

PAOCC pina-freeze assets ng Lucky South 99 sa Porac

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) ang pag-freeze sa lahat ng ari-arian ng Lucky South 99 Corp. sa Porac, Pampanga.

Ang hakbang ay kasunod ng paghalughog ng PAOCC sa naturang POGO hub noong Hunyo 4 dahil sa aniya ay illegal na mga aktibidad kung saan nadiskubre rin ang ilang military Chinese uniforms.

Sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng PAOCC, sakop ng freeze order ang lahat ng assets na nasa loob ng Lucky South 99 partikular na ang 46 na gusali sa loob ng compound.

Ganundin ang mga nakaparadang sasakyan sa loob ng compound habang pinatutukoy din sa AMLAC ang iba pang assets na maaaring isama sa freeze order.

Matatandaan na ikinandado ng PAOCC kamakalawa ang lahat ang ilang gusali at mga sasakyan sa Lucky South 99 matapos ang kanilang pag-iinspeksyon at pagpapatupad ng search warrant doon.

PInag aaralan na rin ng pamahalaan ang pagsasampa ng forfeiture case laban sa mga operator at may-ari ng POGO hub para matukoy kung ano ang maaaring mangyari sa mga nasabing pasilidad.

vuukle comment

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with