^

Bansa

Rental method magpapalakas sa naval, police assets

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Francis “Tol” Tolentino na dapat ikonsidera ng gobyerno ang “rental method” sa pagkuha ng mga asset upang palakasin ang kapabilidad ng pulisya at hukbong pandagat ng Pilipinas.

Sinabi ni Tolentino na maraming bansa, kagaya ng Singapore, Australia, France, United Kingdom, Japan, at India, ang umaarkila ng mga asset ng hukbong-dagat at pulis mula sa ibang mga bansa upang pahusayin ang kanilang kakayahan nang hindi gumagastos ng malaki sa pagbili at maitenance.

Nauna na ring iminungkahi ng senador sa gobyerno na mag-arkila ng mga barko mula sa ibang bansa matapos umalis ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal noong Setyembre 13 kaya dinagsa ng mga Tsino.

Sa pakikipag-usap kay Commander John Percie A. Alcos, direktor ng Philippine Navy Public Affairs Office, sinabi kay Tolentino na halos limang taon bago makuha ng gobyerno ang 32-meter attack at missile-capable ships sa Israel, mula sa procurement approval hanggang paghahatid ng asset.

Sang-ayon si Alcos sa senador sa panukalang palawakin ang naval fleet sa pamamagitan ng pag-upa mula sa ibang bansa, na aniya ay magiging force multiplier para sa Hukbong Dagat ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Tolentino ang mga benepisyo ng pag-upa ng assets ng maritime mula sa ibang bansa, tulad ng Singapore, na na-aquire ang submarino nito sa pamamagitan ng lease sa Sweden, at nagpalakas sa mga puwersang pandagat nito.

Binanggit niya ang isang kuwento mula kay PGen. Rommel Francisco Marbil, na nagsabi sa kanya na ang Australia ay umuupa rin ng mga asset para sa pulisya nito, tulad ng mga sasakyan at ambulansya..

vuukle comment

FRANCIS “TOL” TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with