Bulkang Kanlaon, pitong beses nagbuga ng abo
MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa kanilang nakalipas na 24 oras na monitoring ay 7 beses nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon na may tagal na tatlong minuto hanggang dalawang oras at 26 minuto.
Bukod pa dito ay nakapagtala rin ang bulkan ng 25 volcanic earthquakes kabilang ang 5 volcanic tremors na may tatlo hanggang 40 minuto ang haba at nagluwa din ng nasa 3,585 tonelada ng asupre.
Nagtala rin ang bulkan ng 1,200 metrong taas na makapal at walang patid na pagsingaw at panaka-nakang pag-abo na napadpad sa timog-kanluran at timog-timog-kanluran gayundin ng pamamaga ng bulkan
Nairekomenda ng Phiviolcs ang paglikas ng mga tao na nasa loob sa 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.
Bawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dulot nang inaasahang biglaang pagsabog, pagbuga ng lava,pag-ulan ng abo, Pyroclastic Density Current (PDC) at rockfall gayundin ng pagdaloy ng lahar kung may malakas na pag-ulan doon.
Ang Bulkang Kanlaon ay nananatiling nasa ilalim ng alert level 3 status na nangangahulugan ng mataas na aktibidad ng bulkan.
- Latest