^

Police Metro

Senglot nag-amok, tinepok ng kapitbahay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaking lasing na nag-amok ang inatado nang saksak ng kanyang kapitbahay sa harapan ng isang tindahan, kamakalawa ng madaling araw sa Quezon City.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si alias Belalo, 51, ng Sitio San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, habang agad ding naaresto ang kapitbahay niyang suspek na si alias Rosales, 41, may live-in partner, construction worker.

Sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nirerentahang silid ng biktima sa nasabing barangay.

Bago ang pananaksak, lumitaw sa imbestigasyon na nagwala at nagbasag ng bote ng alak ang biktima sa harap ng tindahan na pag-aari ng ina ng saksing si alias Fabio.

Nilapitan ni Fabio ang biktima at nakiusap na umuwi na habang ang kapatid nitong si Mary Joy ay tinawag ang step-father nilang si Rosales sa loob ng bahay.

Lumabas si Rosales at kinompronta ang biktima, subalit patuloy pa rin ito sa pagwawala hanggang sa saksakin na ito.

Agad namang nag­responde ang tauhan ng QCPD Police Station 15 at isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital, subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Nakapiit na ang suspek at inihahanda na ang kaso laban dito.

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with