^

Police Metro

Higit 4k indibidwal, nabigyan ng libreng pagkain ng DSWD

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula nang ilunsad ang programa sa Pasay City noong Dec. 16 hanggang Dec. 24 ay aabot na sa 4,452 indibidwal na nakaranas ng gutom ang nabigyan ng libreng pagkain sa Walang Gutom Kitchen ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakatuon ang programa sa pagtulong sa mga pamilya sa kalye (Families in Street Situations o FISS) at iba pang nakararanas ng gutom, sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga hotel, restaurant, at iba pang establisyimento.

Nagpasalamat naman si DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao sa buhos ng mga donasyon mula sa iba’t ibang grupo.

Pinuri rin niya ang mga boluntaryong naglaan ng kanilang oras, kahit sa panahon ng holiday, upang maglingkod sa mga benepisyaryo.

Ang Walang Gutom Kitchen ay bukas kahapon, Dec. 26 hanggang 31 at pansamantalang magsasara sa Enero 1, 2025, para sa Bagong Taon.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with