115 online platforms pinatigil ng PNP - ACG
Sa pagbenta ng bawal na paputok…
MANILA, Philippines — Dahil sa pagbebenta ng mga bawal na paputok ay ipinatigil ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang operasyon ng 115 online platforms.
Ayon kay acting ACG chief Brig. Gen. Bernard Yang, pinalalakas ng ahensya ang cyber patrol activities para tugisin ang mga sangkot sa mga ilegal na aktibidad.
Sa datos ng ACG, kasama sa mga na-take down na mga online platform ang 59 Facebook page, 54 X (dating Twitter) account, isang website, at isang account sa audio streaming app na Spotify.
Bukod dito, tinatayang nasa 208 pang online platforms ang kasalukuyang minomonitor.
Ang paggamit ng online platforms para sa ilegal na pagbebenta ay lumalabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
- Latest