^

PSN Opinyon

EDITORYAL - K-12 program hindi nakatulong N

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - K-12 program hindi nakatulong N

Ang isabatas ang K-12 program (RA 10533-Enhanced Basic Education Act of 2013) sa panahon ni dating President Noynoy Aquino at ni dating DepEd Sec. Bro. Armin Luistro, marami ang sumalungat sapagkat hindi pa handa ang bansa sa pagpapatupad nito. Marami pang dapat gawin para maisakatuparan. Pero sabi ng mga nagsulong dapat nang mabago ang sistema ng edukasyon upang makahabol ang mga kabataan na napag-iiwanan na ng ibang bansa sa maraming larangan. Ayon sa mga nagsusulong, ang Pilipinas na lamang ang tanging bansa sa Southeast Asia ang hindi sumasailalim sa K-12 program.

Sa ilalim ng K-12 program, ang mga mag-aaral ay dadaan sa: 1 taon sa Kindergarten, 6 na taon sa ­elementarya, 4 na taon sa junior high school, at 2 taon sa senior high school. Sa dati o lumang programa, 6 na taon sa elementarya at apat na taon sa high school ang binubuno na may kabuuang 10 taon.

Sa loob ng 10 taon (2013-2023) mula nang ipatupad ang K-12 program, walang nakitang pagbabago sa sistema ng edukasuyon at bumaba pa ang kalidad ng edukasyon. Sa halip na sumulong ay umurong.

Nakaka-shock na marami sa senior high school ang kapos ang nalalaman sa mga simpleng tanong sa subject na history. Nakakadismaya na marami ang hindi sanay sa pagbabasa. Marami rin ang hindi agad makaintindi sa mga simpleng tanong.

Ang kahinaan ng mga estudyanteng Pinoy sa Math, Science at Reading Comprehension ay nakita sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan nangulelat sa 81 bansa. Mababa ang nakuhang marka ng mga estudyanteng Pinoy na labis na nakadidismaya.

Tama ang mga sumasalungat noon sa K-12 na hindi pa handa ang bansa sa ganitong sistema. Maraming problema na dapat resolbahin. Una, ay ang kakulangan ng mga silid-aralan. Parang sardinas na siksikan ang mga estudyante. Ikalawa, kakulangan sa mga magagaling na guro. Walang makuhang magagaling na guro dahil kakarampot ang suweldo. Ikatlo ay ang mga kagamitan sa eskuwelahan. Kulang ang mga equipment para sa pag-aaral ng mga bata.

Maski si President Ferdinand Marcos Jr. ay nababahala sa kahinaan ng mga estudyante lalo sa Reading, Math at Science kaya inatasan niya si incoming Education Secretary Sonny Angara na rebyuhin ang K-12 program. Ayon kay Marcos hindi raw naging maganda ang resulta ng employability ng mga estudyante na dumaan sa K-12.

Nararapat gumawa ng paraan si Angara. Gawin ang lahat ng paraan para mapabuti ang kalidad ng edukasyon at nang hindi mangulelat ang ­estudyanteng Pinoys.

vuukle comment

K-12

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with