^

PSN Opinyon

Kaso ng beauty queen at Israeli boyfriend, nalutas ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nalutas na ng Criminal Investigation and Detection Group ang kaso nina beauty queen Geneva Sarita Lopez at Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen. Ang malungkot lang, wala nang buhay ang dalawa. Nahukay kahapon ng CIDG at iba pang police units ang bangkay nina Lopez at Cohen sa bakanteng lote sa Bgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac. Ang bangkay ng dalawa ay dinala sa Lotus funeral homes sa Bgy. San Vicente, Tarlac City. Sa kanyang report kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, sinabi ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco na may hawak na silang dalawang principal suspects. Inaalam na ang motibo ng krimen at ayon kay Francisco may tatlong anggulo silang tinutumbok.

Sinabi ni Francisco na nagkaroon sila ng breakthrough sa kaso matapos pumiyok ang backhoe mechanic na si alyas Jess, isa sa pitong persons of interests na kanilang inimbitahan sa kaso. Sina Lopez at Cohen ay inireport na nawawala noong June 21. Ang huling balita, may kakausapin sila tungkol sa ibinibentang lupa sa Tarlac City. Si Lopez ay pambato ng Pampanga sa Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 bilang representante ng Sto. Tomas. Sa kanyang salaysay sa CIDG, sinabi ni Jess na inupahan siya para mag-drive ng sasakyan ng mga biktima. Ayon kay Jess, nagulat siya ng makitang may dalawang bangkay sa sasakyan. Ang sunog na SUV ay natagpuan sa Bgy. Cristo Rey, Capas, Tarlac City noong July 1.

Ayon kay Francisco si Jess ang nag-guide sa kanila sa bakanteng lote na sa ilalim ng Transfer Certificate of Title No. 8030 sa Bgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac kung saan ibinaon ng mga suspects ang bangkay nina Lopez at Cohen. Ang lupa ay nakarehistro sa pangalan ni Isais Pamuntuan. Sinabi ni Francisco na nag-apply sila ng search warrant sa sala ni Judge Edwin Sunga Bonifacio ng Tarlac City RTC Branch 11 upang mahukay ang libingan ng dalawa. Ang tarlac Provincial Forensic unit sa pamumuno ni Maj. Angelito Angel ang humukay ng bangkay nina Lopez at Cohen. Ang mga bangkay ay isasailalim sa autopsy examination at DNA testing/analysis para makumpirma ang pagkakilanlan. Ang sakit sa bangs nito.

Idiniin ni Francisco na ipinatupad ang search warrant sa harap nina chairman Cesario David Bautista Jr. at Bgy. Kagawad Ronald Pacheco. Armado rin ang mga CIDG operating units at Forensic team ng dalawang alternative recording devices, tulad ng Samsung Galaxy 12 at ITEL S665L S23. Kahit nakatulong si Jess sa paglutas ng kaso, iginiit ni Francisco na hindi pa s’ya ligtas dahil may posibilidad na maisama siya sa kaso. “Tinitipa pa namin ang hawak na mga ebidensiya. Kung siya ba ay isasama sa kaso dahil sa partisipasyon n’ya bilang driver ng SUV ng mga biktima,” ani Francisco. Aniya, kapag naabsuwelto naman si Jess, maari rin siyang makibahagi sa P350,000 reward para sa ikalutas ng kaso. Abangan!

vuukle comment

LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with