Trabaho, pasisiyahin mga naghahanapbuhay
MANILA, Philippines — Sa layuning mapabuti ang kalidad ng trabaho sa bansa, isinusulong ng TRABAHO Partylist ang isang makabagong inisyatiba na naglalayong ibalik ang saya at sigla ng mga manggagawa sa kanilang paghahanapbuhay.
Binibigyang-diin ng grupo ang kahalagahan ng makabuluhan at pangmatagalang trabaho, na may inspirasyon mula sa pandaigdigang pamamaraan at konsepto ng “rediscovering joy at work.”
Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, hindi lamang basta pagbibigay ng trabaho ang kanilang adhikain kundi ang pagkakaloob ng makabuluhang hanapbuhay para sa bawat manggagawang Pilipino.
Dagdag pa niya, ang tunay na kahulugan ng trabaho ay hindi lamang nakasentro sa sahod kundi sa pagtutugma ng kakayahan at hilig ng isang indibidwal sa kanyang ginagawa, upang mapalakas ang koneksyon at motibasyon sa trabaho.
- Latest