Amang nang-rape sa 3 anak, pinabitbit ng sariling anak sa NBI
MANILA, Philippines — Ipinaaresto sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ng kuya ng tatlong menor de edad na magkakapatid ang kanilang sariling ama na paulit-ulit na gumahasa at nanakot sa mga ito simula noong 2022 sa Parañaque City.
Iniharap ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ang suspek na nadakip kasunod ng paghahain ng reklamo ng mga menor de edad na babaeng anak nito hinggil sa pangmomolestiya ng sekswal ng ama sa kanilang tatlo na nagsimula noong 2022. Nagsumbong sila sa kanilang ina subalit ang suspek pa ang kinampihan nito.
Marso 10, 2025 nang maghain ng sinumpaang salaysay ang kuya ng mga biktima at ipinakita sa NBI ang mga text message ng ama ng pananakot at pagbabantang papatayin silang magkakapatid dahil sa pagsusuplong sa NBI.
Agad nang kumilos ang kuya ng mga biktima at isinuplong ang ama na nagtangka pang tumakas.
Nahaharap na ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 8353 (Anti-Rape Law) in relation to Section 5(b) of Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
- Latest