Higit 11K dayuhan idedeport
MANILA, Philippines — Nakatakdang ipadeport ng Bureau of Immigration (BI) ang kabuuang 11,254 foreign nationals na sangkot sa POGO operations sa bansa.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na sa 33,863 empleyado ng POGO sa ilalim ng PAGCOR, 24,779 ang nag-downgrade ng kanilang visa.
May kabuuang 22,609 ang umalis ng bansa bago ang deadline sa Disyembre 31.
Ayon kay Viado, ipinapatapon nila ang mga hindi nag-downgrade at umalis ng bansa bago ang deadline, gayundin ang mga nag-downgrade ngunit nabigo pa ring umalis.
Idinagdag niya na obligado rin ang mga kumpanya na isuko ang kanilang mga POGO worker na nananatili sa bansa, at nagbabala na kung tatangkain nilang itago ang nasabing mga manggagawa, maaari silang kasuhan ng BI dahil sa pagkukulong sa mga ilegal na dayuhan.
Nabatid na inatasan ni Viado ang kanyang intelligence division na simulan ang paghahanap sa mga itinuturing na mga illegal Alien.
“Asahan ang pinaigting na paghahanap laban sa mga ilegal na dayuhan na ito. Ang mga dayuhang mamamayan na patuloy na susuway dito ay huhulihin, ide-deport, at i-blacklist. No exceptions,” dagdag ni Viado.
- Latest