^

Metro

Finance officer ng POGO sa Bamban, Tarlac timbog

Doris Franche-Borja, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Finance officer ng POGO sa Bamban, Tarlac timbog
Kinilala ng PAOCC ang Chinese na si Pan Meishu, na nahaharap sa kasong human trafficking at paglabag sa immigration laws.
Bureau of Immigration, Republic of the Philippines

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga mga tauhan Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration ang Chinese national na finance oficer ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ng PAOCC ang Chinese na si Pan Meishu, na nahaharap sa kasong human trafficking at paglabag sa immigration laws.

Si Pan ay inaresto habang kumakain sa isang restauranf sa Pasay City. Sinasabing nakatakas sa raid ng mga awtoridad sa Bamban si Pan. Sinalakay ang  Zun Yuan Technology batay sa search warrant bunsod ng kasong human trafficking and various online scamming activities.

Ang Zun Yuan Technology a dating kilala bilang Hongsheng Gaming Technology Inc., ay bahagi ng mga pagsisiyasat na may kaugnayan kay dating Bamban Mayor Alice Leal Guo.

Ikinatuwa ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pag-aresto, at sinabing ang operasyon ay isa lamang sa marami pang darating na target ang mga ilegal na dayuhan na nagtatrabaho sa mga scam hub.

“Asahan ang mas maraming pag-aresto habang sinira natin ang mga ilegal na operasyon ng POGO,” ani Viado.

Sinabi ni Viado na mananatili sa kustodiya ng BI ang suspek habang sumasailalim sa deportation proceedings.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->