^

Punto Mo

P100-M POGO money, naging papel!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NASAAN ang POGO money? Kumakalat ang tanong na ‘yan dahil halos P19 milyon lang ang natira sa POGO money nang magka-inventory nitong Huwebes sa sala ni Judge Pia Cristina Bersamin-Embuscado ng Las Piñas RTC Branch 198. Dapat kasi P120 milyon ito. Nagulat si Judge Bersamin-Embuscado ng tumambad sa kanya ang mga karton na kahon na ballot ng masking tape, at ang laman ay ginupit na xerox o boodle money. May ibang kahon pa na wala ng laman. Araguyyyyy! Kung sabagay, umugong na ‘yan noong panahon ni ex-PNP chief Nicolas Torre lll na missing ang POGO money. Kaya lang mabilis pa sa kidlat na sumagot si ex-Comptroller at PIO Jean Fajardo na intact ang milyones na ebidensiya kaya’t namatay ang isyu. Subalit lumabas na ang katotohanan sa nangyaring inventory. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang lahat kasi ng kaso laban sa POGO sa Las Piñas ay na-dismiss at natural lang na ini­utos ni Judge Bersamin-Embuscado na isoli ang lahat ng nakumpiskang ebidensiya. Dumating naman ang isang armored car sa korte at may security pa na isang trak na pulis. Kaya lang nang binuksan ang mga kahon sa harap ni Judge at abogadong si Atty. Willy Rivera nawindang sila sa natuklasan. Itinuloy naman ang pagbilang ng natirang pera, gamit ang counting machines, at inabot sa 10 p.m. sila. Halos P19 milyon lang ang natirang pitsa. Saan kaya napunta ang P100 milyon? Parang tumama sa lotto ang nasa likod nito. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Ang Xinchuang Network Technologies sa Las Piñas ay ni-raid ng combined elements ng NCRPO at Anti-Cybercrime Group ilang taon na ang nakaraan. Umabot sa 2,725 foreign at local workers ang na-rescue. Natuklasan ng mga raiders ang 139 safety deposit boxes na may lamang salapi sa mga building at ‘yaon nga ay naging ebidensiya laban sa POGO. Sangkatutak na kaso ang isinampa ng PNP laban sa operators ng POGO kaya lang sumemplang ang mga ito sa korte. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Madali lang naman matukoy ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. kung sino ang salarin. Siyempre ang property custodian ng ACG, na ang balita, ay nag-AWOL na. Sign of guilt? Hindi naman siguro kikilos ng ganito ang property custodian kung walang opisyal na nag-utos sa kanya, di ba mga kosa. Tama lang ba na si property custodian lang ang magdusa? Hindi na makakatulog ang nasa likod nito.!

Sinabi ng mga kosa ko na may effort din ang Anti-Money Laundering Council na ipa-forfeit ang P120 milyon na POGO money in favor of the government. Kaya ang AMLC na ang hahabol sa PNP? ‘Wag kumurap mga kosa! Abangan!

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with