^

Punto Mo

Imago (48)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Hindi matantiya ni Maya kung gaano kalawak ang bakal na trapdoor na nasa tapat ng kaniyang mga tuhod. Kung susubukan niyang lundagin ito, maaari siyang bumagsak nang diretso sa kailaliman.

Sa huling pagkakataon, binuksan niya ang maliit na kahon sa kanyang bulsa at kinuha ang kaniyang pinakahuling posporo.

Pagkakuskos dito, Isang maliwanag na dilaw na apoy ang sumiklab, mas matapang at mas masigla kaysa sa mga nauna. Agad na itinutok ni Maya ang liwanag sa sahig. Sa tulong ng huling ningas, nakita niya ang kabuuan ng panganib. Ang bakal na panel ay may habang tatlong talampakan, isang distansya na kaya niyang lundagin, ngunit sapat na upang maging mitsa ng kaniyang buhay kung siya ay magkakamali. Sa dulo ng bakal, nakita niya ang dugtungan ng ligtas at solidong semento.

“Kaya ko ito,” bulong niya sa kaniyang sarili, habang tinititigan ang kaniyang matatampakan.

Ngunit ang apoy ay mabilis na lumiliit. Ang init ay nagsimula nang dumanas sa kaniyang mga balat, mas masakit at mas matindi kaysa kanina. Pinalakas ni Maya ang kaniyang loob, umatras nang bahagya, at itinuon ang lahat ng kaniyang lakas sa kaniyang mga binti.

Sa mismong sandali na napaso ang kaniyang daliri at tuluyang namatay ang huling posporo, tumalon si Maya sa gitna ng kadiliman.

Lumipad ang kaniyang katawan sa kawalan, walang ibang gabay kundi ang huling imahe na nakatatak sa kaniyang isip. Ang kaniyang mga sapatos ay bumagsak sa kabilang panig, ngunit ang kaniyang balanse ay nawala.

(Itutuloy)

MAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with