^

Punto Mo

Tres Queridas (36)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

AMOY nang matapang na disinfectant at lumang linoleum ang sumalubong sa kanila sa loob ng maliit na Rural Health Unit ng Isla Balod. Mag-iisang oras nang nasa loob ng emergency room si Lani habang pilit inaagapan ng nag-iisang doktor doon ang kanyang pagdurugo.

Sa labas, pabalik-balik sa paglalakad si Diana. Halos mapunit na ang hawak niyang paper cup na may mainit na kape. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay. Ang takot na mawala ang bata, ang rebelasyon sa totoong pagkatao ni Carlo, at ang paninibago sa isang liblib na lugar na unang beses lang niyang mapuntahan. Nang mapatingin si Diana sa gawi ng entrance ng ospital, lalong tumaas ang tensiyon na kanyang naramdaman. Nakatayo sa gilid ng pader, malapit sa pintuan, ang isang lalaking pamilyar ang tindig. Nakasuot ito ng itim na baseball cap at facemask. Ito ang eksaktong lalaking nakita niyang sumusunod sa kanila pababa sa pantalan kanina. At ngayon, nakatitig ito sa direksiyon ng emergency room kung saan naroon sila.

Pumitik ang isang ugat sa isipan ni Diana. Matapos ang lahat ng pang-mamanipula ni Carlo, hindi na siya papayag na maging biktima na naman sila. Sa matinding paranoia at galit, mabilis na naglakad si Diana palapit sa estranghero.

“Sinusundan mo ba kami?!” sigaw ni Diana sa lalaki.

Nagulat ang lalaki at napaatras, ngunit bago pa man ito makapagsalita, buong-lakas na isinaboy ni Diana ang hawak niyang mainit na kape nang direkta sa dibdib nito. Napadaing ang lalaki at napayuko, pilit na pinapagpag ang mainit na kape sa damit. Akmang susugurin pa sana ito ni Diana nang biglang dumating si Celeste na kararating lang mula sa pagbabayad ng bill sa kahera.

“Diana, huwag!” sabi ni Celeste at pilit si Diana na nagwawala na. “Tauhan ‘yan ni Carlo, Celeste! Kanina pa tayo sinusundan niyan mula sa barko hanggang dito sa ospital!” nanginginig na turo ni Diana.

Huminga nang malalim si Celeste, inilagay ang sarili sa pagitan ni Diana at ng lalaki. “Hindi siya tauhan ni Carlo.”

Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki. Tinanggal nito ang basang baseball cap at ibinaba ang facemask upang punasan ang kaniyang mukha gamit ang panyo. Nang tuluyang masinagan ng ilaw ang mukha nito, nanlaki ang mga mata ni Diana. Siya ang lalaking kasama ni Celeste noong gabing una silang nag-imbestiga sa sikretong apartment ni Carlo sa Maynila.

“Diana,” kalmadong paliwanag ni Celeste habang inaayos ang nagusot na damit ng lalaki. “Siya si Jack. Ang private investigator?a kinuha ko para hanapin si Carlo noon. At simula nang malaman natin ang tungkol sa islang ito... nagpasama ako sa kanya para maging bodyguard natin.”

(Itutuloy)

TRES QUERIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with