‘Tagpi’ (Part 2)
ANG akala namin ay hindi makaka-survive si Tagpi. Payat na payat kasi siya nang mapulot ni Itay sa basurahan habang pauwi galing sa munisipyo.
Pero dahil desidido kami na mabuhay si Tagpi, nagtagumpay kami. Halos araw-araw ay pinasususo namin si Tagpi ng sariwang gatas ng baka.
May nagtitinda ng sariwang gatas sa malapit sa amin. Pinagtiyagaan naming pasusuhin siya. Inilagay namin ang gatas sa maliit na tsupon at pinadedede kay Tagpi.
Makalipas lamang ang dalawang buwan ay tumaba si Tagpi. Naging masigla at nakikipaglaro na siya sa amin. Mabilis nang tumakbo sa gate para kami salubungin. Makintab na makintab ang kanyang balahibo at lalong natakpan ng itim ang kanyang kaliwang mata.
Napakalambing din ni Tagpi. Kapag aalis na kami ng kapatid kong si Brent para pumasok sa school ay inihahatid kami sa gate. Hindi siya umaalis sa gate hangga’t natatanaw kaming naglalakad. Umaalis lamang kapag hindi na kami matanaw.
Alam din ni Tagpi ang oras ng aming pagdating. Nakaabang na siya sa gate. (Itutuloy)
- Latest
















