Gen. Reales, nagpasiklab vs cigarette smuggling!
ANG buong akala ng mga cigarette smugglers ay malansi nila ang kapulisan sa pagdaong ng kanilang bangka na may katig sa bakawan sa Himamaylan City, Negros Occidental. Nagkamali sila! Ang hindi nila alam, ilang araw na silang inaabangan ng mga tauhan ni PRO NIR director Brig. Gen. Rudecindo Reales. Medyo na-late lang ang mga tauhan ni Reales sa pangunguna ni PRO NIR intel chief Col. Jay Dimaandal, at nagawang makatakas ang dalawang suspects na magkapatid na Jun Sarip at Jake Sarip, mga tubong Jolo, Sulu. Subalit ang pangatlo sa kanila, na si Omar Sarip, 22, ay nakorner ni Dimaandal. Hindi lang ang bangka ang nakumpiska ng tropa ni Reales kundi maging ang sigarilyo na walang graphic health warnings na nagkakahalagang P10,199,400. Araguyyyyy! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Maganda ang pasok ng accomplishment kay Reales. Dahil hindi pa nga nag-isang buwan si Reales sa puwesto at may maipagmalaki na kaagad s’ya. Mismooooo! Maging si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ay natuwa sa trabaho ni Reales dahil nagsama-sama ang mga police units para pigilan ang smuggling operation. “The operation demonstrates how timely information-sharing and coordinated action can help address the movement of goods that may be outside established regulatory requirements,” ang pahayag ni Nartatez. “Hindi lang ito tungkol sa pagkumpiska ng mga produkto. Ang mahalaga, nagkakaisa ang mga ahensiya sa pagkuha ng tamang impormasyon at sa maingat na pagpapatupad ng batas,” aniya.”We want our operations to be effective, but just as importantly, they must be lawful, properly documented, and respectful of individual rights,” ani Nartatez. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ni Dimaandal na ang shipment ay galing sa Sulu. Dalawang araw ang biyahe ng bangka bago dumating ito sa baybayin ng Himamaylan sa Sitio Batang, Bgy.Talaban, Nakumpiska ang 63 master cases na D&B cigarettes, 25 master cases ng YS, 25 master cases ng YS menthol, at 102 boxes ng YS red, Ang inventory ng seized goods ay ginawa sa presensiya nina Kagawad Anou Malapitan at Justine Ace Antipatia, at representante ng Aksiyon Radyo. Swak sa banga ang suspect nito, dahil ang mga tauhan ni Dimaandal ay armado ng dalawang body-worn cameras. Mismooooo!
Ayon kay Dimaandal, hinahanap nila sa ngayon ang isang alyas Shiela, na s’yang nasa likod ng cigarette smuggling sa PRO NIR area. “Halos lahat ng huli naming ilegal na sigarilyo, ang pangalan ni Shiela ang isinisigaw,” ayon kay Dimaandal. Ang mga inarestong suspect ay dinala sa Himamaylan MPS para sa booking procedure, samantalang ang mga ebidensiya ay ipinasailalim sa proper disposition at examination ng National Tobacoo Administration (NTA). Purbidang yawaahhhhh!
Halos kada linggo may huling ismagel na sigarilyo ang PNP, bakit ayaw magsitigil ng mga financiers nito? Abangan!
- Latest















