^

Punto Mo

Sa PRO3, partnership ng PNP at LGUs umaalagwa!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Sa Central Luzon, malaki ang kalamangan ng liderato ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez dahil sa todo suporta ng local government units (LGUs) sa mga programa n’ya. Kaya’t ang panawagan ni Mendez sa kapulisan, hindi sapat ang suporta kung walang katumbas na maayos na serbisyo, lalo na sa pakikipaglaban vs kriminaldad.

Sa madaling salita; ‘partnership is a two-way street.’ Kaya’t inuna ni Mendez ang command visits, para pakipagdahop palad ang mga LGUs at ibenta o ilarawan ang kanyang mga programa para mapanatiling tahimik at mapayapa ang Central Luzon. Eh di wow!

May natitira pang PPOs/CPOs na bibisitahin. Pero kung may malinaw na direksyon sa ngayon, ito ay simple lang—balik sa basic: tingnan ang tao, ayusin ang sistema, at palakasin ang ugnayan. Dipugaaaaa! Hehehe! Hindi ito headline-grabbing ha?

Pero sa command visit, dito nagsisimula ang resulta—tahimik, tuluy-tuloy, at nakaangkla sa malinaw na direksyon ng pamunuan. May mga bagay sa serbisyo na hindi nasusukat sa report—hindi nakikita sa graphs, at lalong hindi agad nararamdaman sa opisina.

Isa na rito ang tunay na kalagayan ng mga pulis sa ground. Sa wala pang isang buwan ng kanyang panunungkulan bilang Regional Director, tahimik pero tuloy-tuloy ang pag-iikot ni Mendez at lima na Police Provincial at City Offices na ang kanyang nabisita—mula sa kabuuang siyam na PPOs/CPOs sa buong Central Luzon. Hindi ito simpleng courtesy call. Sa bawat command visit, malinaw ang dalawang bagay na kanyang binibigyang-diin: una, ang welfare ng mga personnel; at ikalawa, ang pagpapalakas ng ugnayan sa mga LGUs. Sanamagan!

Sa usapin ng welfare, direkta ang approach—kumustahan sa ground. Hindi lang sa opisina nakatingin, kundi sa aktwal na kalagayan ng mga pulis: deployment, kagamitan, tirahan, at working conditions. Sapagkat sa simpleng prinsipyo—kung maayos ang pulis, mas maayos ang serbisyo. At habang tahimik ang ganitong approach, may kaakibat itong malinaw na resulta.

Sa loob lamang ng mahigit tatlong linggo, umabot na sa P11,775,882 halaga ng droga ang nakumpiska, habang mahigit 600 na wanted persons na ang naaresto sa iba’t ibang operasyon. Hindi man ito ang sentro ng bawat command visit, malinaw na ang pagtuon sa tao at sistema ay may direktang epekto sa operational output. Hehehe! ‘Ika nga sa ground ang sukatan.

Sapagkat malinaw sa pamunuan ni Mendez na hindi magiging epektibo ang operasyon kung hindi matibay ang pundasyon sa loob ng organisasyon.Hindi ito bagong konsepto, pero hindi rin ito dapat nakakaligtaan.

Kasabay nito, malinaw din ang direksyon pagdating sa LGU partnership. Sa bawat probinsya, binibigyang halaga ang koordinasyon—dahil ang kapayapaan at kaayusan ay hindi kayang dalhin ng PNP mag-isa. Ang pagpapalakas ng ugnayan sa mga LGUs ay bahagi rin ng Community Support pillar ng PNP Focused Agenda—isang pagkilala na ang seguridad ay kolektibong responsibilidad. Mismooooo! Abangan!

CENTRAL LUZON

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with