^

Punto Mo

Tres Queeridas (20)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAHIMIK na pumapasok ang malamig na hangin sa tuktok ng parola. Sa ibabaw ng mesa, patuloy na nagpapatugtog ang radyo ng lumang kanta, habang nananatiling humaha­limuyak sa hangin ang pabango ni Carlo.

Nakatitig si Celeste sa dagat. Dahan-dahang nanginig ang kanyang mga labi. At sa unang pagkakataon, pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata.

“Alam mo Diana, inggit na inggit ako sa’yo.” sabi ni Celeste habang nanginginig at pilit na pinapanatili ang kaniyang maawtoridad na tindig. “Sa loob ng tatlong taon na kasal kami ni Carlo, hindi ko naranasan ‘yung mga nakukuwento mo tungkol sa kanya...”

Tinitigan ni Diana si Celeste. Punumpuno ng awa ang mga mata nito.

“Hindi mo dapat kainggitan ‘yun, Celeste,” mahinahong sagot ni Diana habang nakatitig sa madilim na dagat sa ibaba. “Ang akala ko, kilalang-kilala ko siya. Pero ngayon, iniisip ko kung baka ang buong buhay namin ni Mateo ay isa ring kasinungalingan na ginawa niya lang para lang sa mga pinaplano niya.”

Napatitig si Celeste kay Diana. Sa gitna ng maalat na hangin at ng amoy ng pabango ng lalaking nagpaikot sa kanila, tuluyang nawasak ang pader sa pagitan nilang dalawa. Walang karibal, walang lamangan, dalawang babae lang na pilit na bumabangon mula sa guho ng iisang pagtataksil.

Inabot ni Diana ang kamay ni Celeste at marahang piniga ito. “Kailangan nating alamin ang katotohanan. Para sa atin... at para sa anak mo at sa magiging anak ni Lani.”

Tumango si Celeste, pinunasan ang kaniyang pisngi, at bahagyang ngumiti sa gitna ng luha. Ngunit bago pa man sila makahakbang patungo sa hagdanan para bumaba, biglang yumanig ang malakas na vibration ng cell phone ni Celeste.

TZZZ... TZZZ... TZZZ... Kinuha ni Celeste ang kaniyang telepono mula sa bulsa ng kanyang jacket.

“Hello?” Nakinig si Celeste. Sa bawat segundong lumilipas, dahan-dahang nawawalan ng kulay ang kaniyang mukha.

“Celeste? Sino ang tumawag sa’yo?” alalang tanong ni Diana.

Ibinalik ni Celeste ang cellphone sa kanyang bulsa, nanginginig ang buong katawan habang nakatitig kay Diana.

“Yung kakilala ng dad ko sa coast guard...” nangangatal na bulong ni Celeste. “Nahanap na raw nila ang katawan ni Carlo.”

(Itutuloy)

PAROLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with