^

Punto Mo

Flocerfida (149)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ALAS SIYETE ng umaga kinabukasan ay nasa punerarya na si Kikoy.

Iilan ang mga taong naroon. Mga kamag-anakan ni Florence.

Nang makita siya ni Ericko ay nilapitan siya nito.

Niyaya siya para sulyapan si Florenz sa loob ng kabaong.

“Hindi mo na pala siya dinala sa ospital.”

“Hindi na po—siya po ang tumutol.”

“Siguro ay nararamdaman niya na malapit na ang huling sandali sa mundo.”

“Palagay ko nga po, Sir Kikoy.”

“At isa pang napansin ko kay Florenz, parang gusto na niyang magpahinga—para bang pagod na pagod siya.”

“Yun din po ang nakita ko kay Papa.”

“Kaya tama lang ang pagpapaalam niya. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya.”

“Siyanga po pala, bago ko malimutan, may sulat po si Papa para sa iyo,” dinukot ni Ericko ang sulat sa bulsa at iniabot kay Kikoy.

“Kailan niya ito ginawa?”

“Matagal na po yan. Kahapon, merong idinagdag si Papa sa sulat—huling sulat na pala niya.”

“Ano kayang sinasabi sa sulat?”

Napailing lang si Ericko.

“Sa bahay ko na babasahin.”

(Itutuloy)

KIKOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with