^

Punto Mo

‘Walis’ (Part 12)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI ako makapaniwala sa ikinuwento ni Ate Lydia na siya rin ay biktima ng pagmamaltrato ng kanyang madrasta. Pinagmamalupitan din siya. Hinahampas ng tukod ng bintana kapag hindi nasunod ang ipinag-uutos. Lumayas daw siya at nagtungo sa Maynila at may mabait na babae rin na tumulong sa kanya. Pinag-aral siya at nakatapos ng banking and finance. Umunlad ang buhay. Tumandang dalaga. Ang naging advocacy ay tulungan ang mga batang inaapi at isa nga ako sa kanyang “ni-rescue”.

Nang magkuwento naman si Ate Marie ng kanyang karanasan, gimbal din ako sapagkat mas matindi ang nalasap na kalupitan niya sa ikalawang asawa ng kanyang ama.

“Nilalatigo ako ng ikalawang asawa ni Itay. Kapag hindi ko nahugasan ang pinggan at nalabhan ang mga damit, nilalatigo ako,’’ sabi ni Ate Marie. “Minsan, nabasag ko ang binili niyang pinggan—dumulas sa kamay ko habang sinasabon—nilatigo ako. Lumatay sa binti ko ang hagupit ng latigo.

“Kapag nagsusumbong ako sa aking ama, hindi ako pina­pansin. Pag-alis ni Itay—drayber siya ng bus na biyaheng Bicol at lingguhan ang uwi, panibagong kalbaryo na naman ang kahaharapin ko sa aking madrasta. Lalatiguhin na

naman ako kapag nagkamali. Nagkasugat-sugat ang likod ko dahil sa tama ng latigo. Ang hapdi!

“Dahil hindi ko na kinaya ang pagmamalupit ng aking madrasta at hindi naman ako pinapansin ng aking ama, naglayas ako. Isang biyuda at mabait na teacher ang tumulong sa akin. Inampon niya ako at pinag-aral. Nakatapos ako ng kolehiyo. Nagtrabaho sa isang tanggapan ng gobyerno. Nang mamatay ang mabait na guro, pinamana sa akin ang mga ari-arian niya—kasama ang lote at bahay na ito. Hindi na ako nag-asawa. Katulad ni Lydia, ang advocacy ko rin ay tumulong sa mga kabataang minamaltrato. Kaya nang sabihin sa akin ni Lydia na mayroon kaming tutulungan—ikaw iyon Divina ay hindi na ako nagdalawang-isip. Kaya ako ang sumundo sa iyo ng gabing tumakas ka sa malupit mong tiyahin. Alam mo, Divina, mas malupit ang dinanas mo dahil kadugo mo ang nagmaltrato sa’yo. Kaming dalawa ni Ate Lydia mo, mga madrasta ang nagmaltrato pero hindi namin kadugo.’’

Napaiyak ako sa sinabi ni Ate Marie. Tama siya. Kung sino pa ang kadugo ko, siya ang nagpahirap sa akin. (Itutuloy)

RESCUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->