Food facts
• Ang pagkain ng dalawang itlog araw-araw ay magbibigay sa iyo ng Vitamin D na katumbas ng 30 minuto pagbibilad sa morning sunlight.
• Ang one-fourth cup ng almonds ay nagdudulot ng calcium na nakukuha sa kalahating basong gatas, na mainam sa puso.
• Ang Kiwi ay mas mayaman sa Vitamin C kumpara sa oranges.
• Ang iron na nakukuha sa one cup na spinach ay katumbas ng iron na nakukuha sa isang maliit na hiwa ng beef na kasinlaki ng bahay ng posporo.
• Ang tatlong pirasong Brazil nuts ay magbibigay sa iyo ng sapat na selenium per day na mainam sa thyroid health and immunity.
• Mas maraming nakukuhang potassium sa kalahating pirasong avocado kaysa isang pirasong saging na mainam sa heart health at muscle function.
• Ang protina na nakukuha sa one cup na lentils ay kapantay ng protinang nakukuha sa tatlong itlog.
• One tablespoon ng chia seeds ay nagdudulot ng omega-3 na kagaya ng nakukuha sa fatty fish.
• Ang isang medium size na kamote ay nagbibigay ng Vitamin A na kailangan ng katawan sa isang araw.
• Ang dark chocolate (70 percent cacao or more) ay mataas sa magnesium na mainam upang mabawasan ang stress na nararamdaman.
• Ang buto ng kalabasa ay mayaman sa zinc na nagpapalakas ng immune system.
- Latest