^

Punto Mo

Sobrang bait at ayuda, nakapagpapahamak pala!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

TALIWAS sa inaasahang kabutihang idudulot ang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Assistance for Individual In Crisis Situation (AICS) na isinulong ng gobyerno, naging ugat pa ito ng pambabatikos dahil sa pang-aabuso ng mga naging tagapagpatupad nito. Kinukupitan daw kasi!

Naging sentro rin ng batikos ang estilo ng pagpapatupad ng dalawang proyektong ito. Ipinaubaya lang sa mga barangay officials ang pagrerepaso ng kuwalipikasyon ng mga dapat lamang makatanggap ng ganitong uri ng ayuda. Pinulitika nga kasi at pinagkakitaan ng mga hayok!

Pinaarangkada ng administrasyon ni President Bongbong Marcos Jr. ang mga proyektong ito sa pag-aakalang makabubuti sa ekonomiya ng bansa. Para mapadaloy ang pera sa komunidad na magsusulong ng inisyatibo upang lumikha ng pangkabuhayang gawain ang mga makakatanggap nito. Imbes maging kasaganaan, lalong nalubog ang bansa sa kahirapan. Kasalanan ng mga kupiterong pulitiko ‘yan. ‘Di ba Kap?

Ngitngit at pagkainis lalo ang bumalik sa administrasyon mula sa mga maliliit na taxpayers. Nag­mistulang kalabaw sila na damo lamang ang kinakain sa pagtatrabaho samantalang ang benepisyaryo ng TUPAD at AICS ay maganda pa ang buhay sa kanila at nagbibisyo pa.

Ang mga retiradong manggagawa na tumulong sa pagpapalago ng ekonomiya sa bansa ay nakakatanggap lamang ng pensyon na sapat lamang na pambili ng maintenance medicines nila. Nakikisukob lamang sila sa mga anak na kapos din ang mga kinikita sa pangangailangan ng sariling pamilya. Sila ang mga limot na bayani!

May tatlong taon pang nalalabi ang administrasyon ni PBBM upang ituwid ang mga nagawang pagkakamali. Mahugasan ang madungis na uri ng pamumulitika ng mga naging katulong niya sa pamamalakad ng gobyerno.

Naging saksing buhay at ebidensiya ang naging resulta nang nakaraang eleksiyon na nagpatimbuwang sa mga kapartido niya. Karambolahin mo na Bonget bago pa mahuli ang lahat!

Sobrang bait daw kasi ni PBBM pero kapag nabanggit ang pangalan ni FM Sr., nangangalisag naman ang balahibo ng mga kritiko. Ano ba talaga ang nararapat, mabait na tupa o bangis ng simaron?

TUPAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with