^

Punto Mo

Mayang (194)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“INIWAN na ako ng asawa ko! Wala na siya! Niyakap ko siya at hinalikan. At umiyak ako. Walang tigil na pag-iyak. Hindi ko alam kung gaano katagal na yakap si Encar. Basta nalaman ko na lamang na may mga taong dumating para makiramay.

“Kabilang sa nakita kong dumating ay si Raul, ang drayber ng jeep na inarkila ko sa paghatid at pagsundo kay Encar sa ospital. Kasama ni Raul ang asawang si Lily.

“Maya-maya pa, may mga dumating pa kabilang ang barangay kapitan. Nagtulung-tulong ang mga dumating para maisaayos ang bangkay ni Encar.

“Si Raul ang sumundo sa mga tauhan ng punerarya para maimbalsamo si Encar. Kilala ni Raul ang may-ari ng punerarya kaya naging mabilis ang pagkuha sa bangkay ni Encar.

“Habang ginagawa ang pag-embalsamo ay nagtulung-tulong naman ang iba ko pang kababaryo sa pagtatayo ng tolda sa harapan ng aming bahay para sa mga makikipaglamay.

“May mga kapitbahay akong nagdala ng mga kawa na paglulutuan ng pagkain na isisilbi sa mga maglalamay. May mga nagdala ng barakong kape at mga tinapay at biskuwit.

“Sinabi ko kay Lily, asawa ni Raul na siya na ang bahala sa paghuli ng baboy at manok na ihahanda para sa mga maglalamay. Sinabi ko rin kay Lily kung nasaan ang bigas na isasaing. Pati na rin ang mga gagamiting sahog sa mga iluluto. Sabi ni Lily, siya na raw ang bahala.

“Nang dumating ang bangkay ni Encar mula sa puneraryang nag-embalsamo ay maayos na ang kanyang pagbuburulan sa bahay. Marami na ring lutong pagkain kaya lahat ng mga nakipaglamay ay maayos na nakakain.

“Hindi naman ako lumalayo sa kabaong ni Encar. Lagi kong sinisilip ang maamong mukha ng aking asawa na parang natutulog lamang.”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->