^

Punto Mo

Mayang (33)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BINUKSAN ni Puri ang Blue Label. Inamoy ang laman.

“Masarap ang lasa! Talagang sumasarap ang alak kapag tumatagal ano Jef?’’

Walang reaksiyon si Jeff.

“Magsalita ka naman. Para akong nag-iisa rito.’’

“Ha? A e oo sumasarap nga ang alak kapag tumatagal,’’ sabi ni Jeff na parang nagulat.

“Ay salamat. Akala ko hindi ka magsasalita.’’

“May iniisip lang ako Puri.’’

“Sino bang iniisip mo? Si Mayang? Sabi ko sa’yo huwag mo na siyang isipin at huwag mo na ring balakin na hanapin dahil lalo kang masasaktan. Naaawa ako sa’yo, Jeff. Gusto kitang tulungan sa problema mo.’’

Hindi nagsalita si Jeff.

Tumayo si Puri.

“Kukuha lang ako ng baso at yelo.’’

Nang magbalik, dala ang dalawang baso na may tipak-tipak na yelo. May pulutan sa platito—bopis.

Sinalinan ni Puri ang dalawang baso.

“Inom tayo Jeff.’’

Dinampot ni Jeff ang baso.

“Cheers!”

Nagpingkian ang baso.

Inubos ni Puri ang laman ng baso. Ganundin si Jeff.

“Ang sarap nga ng alak kapag matagal na,’’ sabi ni Puri.

Nagsalin uli si Puri. Uminom uli sila.

Maya-maya, nagpaalam si Puri.

“Maliligo lang ako Jeff.’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with