^

Punto Mo

‘Alulong’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

TAKOT ako sa alulong ng aso. Kapag nakarinig ako ng alulong, iisa ang mensahe sa akin—may namatay!

Nagsimula ang pagkatakot ko sa alulong ng aso noong ako ay nasa fourth year high school sa aming probinsiya.

Isang gabi, biglang umalulong ang aming aso na nakatali sa kamalig. Nagulat kami sapagkat iyon ang kauna-unahang pag-alulong ng aming aso mula nang ito ay alagaan.

At ang nakagugulat ay walang patid ang alulong kaya halos napuyat kami. Kahit magtakip ng taynga ay nanunuot ang alulong.

Kinabukasan, isang malungkot na balita ang aming natanggap: namatay ang aming lolo at lola sa sunog!

Namatay silang mag­kayakap. Hindi nakalabas ng kuwarto.

Iyon ang dahilan kaya magdamag na umaalulong ang aming aso!

(Itutuloy)

KARANASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with