^

Punto Mo

EDITORYAL — Breath analyzer ng LTO, nasan?

Pang-masa
EDITORYAL — Breath analyzer ng LTO, nasan?

SINABI ng Land Transportation Office (LTO) na balak umano nilang bumili ng mga karagdagang breath analyzer upang maipatupad nang mas mahigpit at maayos ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act. Sa kasalukuyan daw ay mayroon silang 750 breath analyzer pero hindi umano nila sigurado kung usable pa ang mga ito. Binili raw ang mga ito noon pang 2015.

Ibig sabihin, hindi ipinatutupad ng LTO ang Republic Act No. 10586 na isinabatas noong 2013. Kung ipinatutupad nila ito, sana alam nila kung usable o hindi ang kanilang equipment. Mula 2015 na binili ang breath analyzer baka nga hindi nila ito nagamit. At posibleng expired na ang 750 breath analyzer na binili. Nasayang ang pera ng taumbayan.

Mula 2013 hanggang ngayon, marami nang namatay dahil sa drunk driving at naka-droga. Hindi lang mismo ang lasing o naka-droga ang namatay kundi pati na rin ang nabangga o nasagasaan nila. Ayon sa mga pag-aaral, 10 tao ang namamatay araw-araw sa Pilipinas dahil sa pagmamaneho ng lasing o kaya’y nakadroga. At sa kabila na may batas ukol dito, marami pa ring nangyayaring malalagim na aksidente na ang ugat ay pagmamaneho ng lasing o naka-droga.

Sa ilalim ng RA 10586, ang mahuhuling nagmamaneho nang lasing sa alak at lango sa droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Magmumulta naman ng P200,000 hanggang P500,000 kung may namatay.

Binatikos nang marami ang magaan na parusa at multa kaya inihain ni Senator Raffy Tulfo ang Senate Bill No. 2546 na nagpapataw nang mas mabigat na parusa at multa sa mga mapapatunayang nagmamaneho ng lasing sa alak at lango sa droga. Hindi naman malaman kung saan umabot ang inihaing panukala.

Maraming biktima ng drunk driving at nakadroga ang hanggang ngayon ay hindi pa nakakakamit ng hustisya. May mga namatay at ang mga naulila ay nanatiling luhaan.

Noong Nobyembre 1, 2023, isang mag-anak na nakasakay sa traysikel at pauwi sa Quezon province ang sinalpok ng isang pickup na minamaneho ng ­lasing na babaing drayber. Apat ang namatay na pawang mga pasahero ng traysikel. Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng pick-up at nag-overtake sa sinusundang sasakyan kaya nasalpok ang traysikel na nasa kabilang linya. Wala nang balita kung nakasuhan ang lasing na drayber.

Bakit ngayon lang kumikilos ang LTO sa pagbili ng breath analyzer? Bakit hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang isang bagay na mahalaga? Paano ­maipatutupad ang RA 10586 kung kulang sa ­equipment? Marami pang mamamatay dahil sa drunk driving at maaring sisihin ang kakulangan ng LTO.

BREATH ANALYZER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with