^

Punto Mo

EDITORYAL - Bilisan ng PNP ang pagsasampa ng kaso

Pang-masa
EDITORYAL - Bilisan ng PNP ang pagsasampa ng kaso

HINDI pa nakakabalik ng bansa si dating police colonel at PCSO General Manager Royina Garma matapos pigilin ng U.S authorities sa San Francisco Airport noong Nobyembre 8 dahil sa kanseladong visa. Kasama ni Garma ang kanyang anak na babae.

Sabi ni Department of Justice (DOJ) secretary Crispin Remulla, pinuproseso na ang pagpapabalik sa bansa ni Garma. Hindi naman sinabi ng DOJ kung saan dadalhin si Garma kapag dumating ito. Maski ang House quad committee na nag-iimbestiga kay Garma ay hindi alam kung saan ito dadalhin kapag nakababa ng eroplano.

Ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation (NBI) ang dapat tanungin ukol dito. Hanggang ngayon wala pang nakasampang kaso kay Garma kaya hindi pa siya puwedeng arestuhin at ikulong.

Kung naging mabilis lang ang PNP at NBI sa pagsasampa ng kaso, baka hindi na umabot sa punto na nakaalis ng bansa si Garma. Kaduda-duda ang kanyang pag-alis. Pagkaraang palayain ng House quad committee ay agad lumipad pa-U.S. Kahit alam niyang kanselado ang U.S. visa at nagpumilit pa rin.

Nakapagtataka kung bakit mabagal ang PNP na kasuhan si Garma sa kabila na isang police officer ang nagsiwalat na si Garma ang “utak” sa pagpatay sa PCSO board secretary na si Wisley Barayuga noong 2021. Bukod kay Garma, isinasangkot din si dating police colonel at NAPOLCOM director Edilberto Leonardo.

Ayon kay police Lt. Col Santie Mendoza, inutusan siya ni Leonardo na patayin si Barayuga sa utos naman ni Garma. Ayon kay Mendoza, ipinapapatay si Barayuga dahil sangkot umano ito sa illegal drugs. Hindi umano niya matanggihan si Leonardo dahil upper classmen niya ito sa Philippine National Police Academy. At isa pa, ang nag-uutos mismo ay ang PCSO general manager. Binigyan umano siya ni Leonardo ng P300,000.

Ipinasa umano niya ang lahat ng impormasyon sa asset na si Nelson Mariano at ito naman ang komontak sa gunman na kinilala sa alyas Loloy. Isinagawa ang pag-ambush kay Barayuga noong Hulyo 30, 2020. Mariin namang pinabulaanan nina Leonardo at Garma ang akusasyon ni Mendoza. Bukod sa pagpatay kay Barayuga, inaakusahan din sina Garma at Leonardo sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lord na nakakulong sa Davao Penal Colony.

Kung mabilis ang PNP at NBI sa pagsasampa ng kaso kay Garma at iba pa, hindi sana hahantong sa ganito na “nakatakas” si Garma. Baka iniisip ni Garma na humingi ng asylum sa U.S.? Bakit malakas ang loob niyang umalis kahit kanselado ang visa? Kung maka­kabalik si Garma, kumilos na ang PNP at kasuhan ang dating opisyal.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with