^

Punto Mo

Internet, Mabuti o masama? (Last part)

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA ginawang pag-aaral ng mga researcher ng University of Oxfort, lumikom ito ng mga datos mula 2006 hanggang 2021 sa 1,000 katao taun-taon na may edad na 15 anyos pataas sa 168 bansa sa pamamagitan ng phone o in-person interview.

Gayunman, merong maliit na negatibong epekto ang internet sa mga kabataang babae na edad 15 hanggang 24 anyos. Sinasabi ng mga researcher na tumutugma ito sa mga naunang report hinggil sa dumaraming cyberbullying at mga negatibo na may kaugnayan sa paggamit ng social media at mga depressive symptoms sa hanay ng mga kabataang babae.

Meron din naman kasing mga negatibo sa internet. Nagkalat din diyan ang mga tinatawag na cybercriminals.  Bukod pa diyan ang mga fake news, scam, mga “bashers”, panloloko, identity  theft,  fraud, piracy, phising,  hacking, trafficking,  pornography,  at iba pang tulad nito. Kaya nga kailangan ang mahigpit na pag-iingat sa paggamit ng internet at pagsusubaybay sa mga batang gumagamit nito.

Ayon naman kay Tobias Dienlin na nagsaliksik  sa epekto ng social media sa kagalingan ng tao sa University of Vienna na ang nabanggit na pag-aaral ay hindi makakaambag sa debate kung nakakasama ba o mabuti ang social media o kung dapat bang ipagbawal o hindi ang smartphone sa mga eskuwelahan dahil hindi idinisenyo ang naturang pag-aaral para sagutin ang mga tanong na ito. Magkakaiba anya ang mga epekto ng iba’t ibang channel at kagamitan ng internet sa kagalingan ng mga tao.

 “Ang internet ay hindi sumpa at hindi rin biyaya sa kagalingan ng mga tao,” sabi naman ni Appel. “Depende ito sa ginagawa rito ng mga tao.” Dapat anyang pinag-iisipang mabuti ng sinumang gumagamit ng internet ang kanilang ginagawa. “Kung nalulungkot ka o naiinggit sa ilang aktibidad sa internet, tumigil. Tumingin sa iba.”

• • •  • • •

Email: [email protected]

vuukle comment

INTERNET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with