^

Punto Mo

Maid of Honor (169)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, maagang pumasok si Yana para mag-research sa library. Nakita niya si Ram na nag-aabang sa gate ng school.

“Hi Yana! Good morning!’’

“Good morning Ram. Ang aga mo naman.”

“Ikaw din ang aga!’’

“Magre-research ako sa library. Kailangan kong maka-catch up sa lahat ng subjects natin.’’

“Sasamahan na kita. Mayroon din akong ire-research.’’

“Halika. Mayroon pa tayong isang oras para mag-research.’’

Tinungo nila ang library. Wala pang estudyante sa library. Tahimik na tahimik. Sa pinakaloob sila ng library umupo. Kumuha ng mga libro sa shelves si Yana. Tinulungan siya ni Ram na dalhin ang mga libro sa mesa.

“Salamat Ram.’’

Tumango lang si Ram at ito naman ang kumuha ng libro para sa kanyang ire-research.

Tahimik silang nagbasa. Hindi nila sinayang ang isang oras na ilalagi sa library.

Limang minuto bago mag-8:00 a.m. ay tapos na sila sa pagre-research, Isinauli ni Ram ang mga libro na ginamit ni Yana.

“Salamat Ram. Naabala kita.’’

“Okey lang yun, Yana. Kulang pa nga yun sa katulad mong may mabuting kalooban at tapang naman sa mga kawatan.’’

“Ow salamat uli.’’

“Basta kung magre-research ka, sabihin mo at sasamahan kita.’’

“Sige sinabi mo yan ha?’’

“Oo.’’

“Bukas magla-library uli ako.’’

“Sasamahan kita!’’

Ngumiti si Yana.

Pumasok na sila sa classroom. Pinagtinginan sila ng mga classmates. (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with