‘Susi’ (Part 1)
NANGYARI ang karanasan kong ito noong ako ay binata pa at nagtatrabaho sa isang kompanya sa Paco, bilang librarian. Nangungupahan ako sa isang pintong apartment sa Pedro Gil. Nag-iisa lamang ako dahil ang mga kapatid ko at magulang ay nasa probinsiya.
Maaga akong pumasok sa umaga dahil naglilinis pa ako sa library. Nagsasalansan ako ng mga libro sa shelves at isa-isang tsinitsek kung may kulang. Marami na rin kasing mga estudyante ang nagtutungo sa library para mag-research.
Nang umagang iyon, pasakay na ako ng dyip nang maalala ko ang susi. Naiwan ko sa bahay! Hindi ko mabubuksan ang library. Bumalik ako sa bahay. (Itutuloy)
- Latest