^

Punto Mo

Kaltas ayuda!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto na naman at may bubusisiing panibagong umano’y ‘kaltas’ ayuda o cash assistance na programa ng Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD).

Bagama’t sa ngayon ay itinuturing pa itong isolated case at wala pang basehan para sabihin na kalat sa buong rehiyon, gayun­man magsasagawa pa rin ng kaukulang imbestigasyon ang ahensya.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao, batay sa natanggap na report, isang umanoy coordinator na nagtatrabaho sa isang local official ang umanoy nagkaltas ng P9,300 mula sa P10,000 halaga financial assistance na natanggap ng tatlong beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Cagayan de Oro City.

Makikipag-ugnayan umano ang ahensya sa Field Office nito sa Northern Mindanao, na siya ring nakikipag-usap sa mga complainants upang asistehan ang mga ito sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

Nagbabalang muli ang ahensya sa mga gumagawa nang pagkaltas sa mga grants na tinatanggap ng AICS beneficiaries na kakasuhan ang mga ito kapag napatunayang totoo ang bintang sa kanila.

Grabe ang mga ito na pinagsasamantalahan ang benepisyo na dapat matanggap ng mga nanga­ngailangan nating kababayan.

Dapat sa mga sangkot dito, ibiting patiwarik.

AYUDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with