^

Punto Mo

Robot na aso sa Korea, pinakaunang robot na nakatapos ng marathon!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG asong robot sa South Korea ang ­naging kauna-unahang robot na nakakumpleto ng isang buong marathon (42.195 kms) gamit lamang ang isang single charge.

Ang Laibo 2 ay isang quadruped na robot na ginawa ng mga estudyante ng Korea Advanced Institute of Science and Technology (KAIST). Dinisenyo ito upang tumagal sa mga lugar na may extreme conditions tulad ng mga matarik na bundok.

Matapos mabigo sa isang nakaraang marathon dahil sa mabilis na pagkaubos ng baterya, pinalakas ng robotics scientist ng KAIST ang Laibo 2 gamit ang mas malaking baterya at isang AI-powered system na nag-iimbak ng kinetic energy habang tumatakbo.

Sa tagumpay nito sa Sangju Dried Persimmon Marathon, ipinakita ng Laibo 2 ang potensiyal ng ­robotics technology para sa mas matagal na operasyon sa mga disaster zones.

ROBOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with