^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga POGOangawing paaralan

Pang-masa
EDITORYAL - Mga POGOangawing paaralan

SABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), may 300 illegal POGOs ang nag-ooperate sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pinakamalaking POGO hubs na sinalakay ng PAOCC ay ang nasa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga. Para sa PAOCC, ang mga POGO hubs sa dalawang nabanggit na bayan ang pinakamalalaki. Sa Bamban, ang POGO hubs ay nasa 36 na gusali na nakatayo sa malaking compound na umano’y pag-aari ng suspendidong Bamban mayor Alice Guo. Nasa likod ng munisipyo ang POGO hubs.

Mas malaki at sophisticated ang POGO hubs sa Porac na nasa 46 na gusali. Nakatayo ang mga gusali sa isang malawak na lupain. Bukod sa POGOs, nag-ooperate rin doon ang iba pang illegal na negosyo gaya ng money scam at prostitution.

Kung mayroon pang 300 illegal POGOs sa bansa, maaaring ganito rin kalalaki ang mga gusali na nakatayo sa malawak na lupain. Una na ring sinabi ng PAOCC na may mga mino-monitor silang POGO hubs sa mayayamang subdibisyon sa Parañaque. Maaaring may mga magaganda na ring gusali ng ­POGOs doon lalo pa’t maraming residente ang nagbenta na ng kanilang ari-arian sa mga dayuhan particular ang mga Chinese.

Sabi ng PAOCC, magandang gawing eskuwelahan ang mga sinalakay na POGO hubs. Ang mga gusali ng POGO sa Porac ay apat na palapag at kumpleto sa pasilidad. Tamang-tama bilang eskuwelahan. Pero sabi rin ng PAOCC, marami pang gagawin bago ito ma-convert na eskuwelahan. Marami pang pagdinig ang gagawin bago maisakatuparan.

Makabuluhan ang ideya ng PAOCC na gawing eskuwelahan ang mga gusali ng POGOs. Sa kasalukuyan, malaki ang problema ng DepEd sa kakulangan ng paaralan. Ayon sa DepEd, tinatayang 165,444, ang kakulangan ng classroom ngayong school year 2024-2025. Ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Metro Manila ang nangunguna sa may pinakamalaking kakulangan ng classroom. Ayon pa sa DepEd nangangailangan ng P105 billion taun-taon para mapunan ang kakulangan sa classroom sa buong bansa.

Tamang-tama kung maisasakatuparan na gawing school ang POGO hubs. Malaking tulong ito para magkaroon nang maayos at kumpleton eskuwelahan ang mga bata. Hindi na magdaraos ng klase sa lilim ng punongkahoy, lobby ng school at comfort room na ginawang classroom.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with