^

Punto Mo

Maid of Honor (167)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI alam ni Yana kung sino nag-post ng nangyari sa kanyang pagkaladkad ng riding-in-tandem nang hablutin ang bag ni Ate Bianca sa Quiapo. Pero tiyak na isa sa nakasaksi sa insidente.

“Pinahanga mo ako Yana,’’ sabi ng classmate niyang si Ram. “Bihira ang makakagawa ng ginawa mo. Mabuti at walang nangyari sa iyo.’’

“Salamat Ram. Ginawa ko lamang ang alam kong nararapat.’’

“Hindi mo naisip na maaari kang nadisgrasya sa paghawak mo sa bag at nakaladkad ka?’’

“Hindi ko na naisip yun. Ang nasa isip ko ng mga sandaling yun, kailangang maagaw ko ang bag ni Ate Bianca.’’

“Ano mo si Ate Bianca?’’ tanong ni Ram pero nag-sorry ito sa masyadong pagkamaurirat. “Sori, Yana. Nadala lang ako sa nangyari sa iyo kaya ko naitanong si Ate Bianca.’’

“Okey lang Ram. Si Ate Bianca ay amo ko—kasambahay nila ako.’’

Napatitig si Ram kay Yana. Lalong humanga. Dahil sa pagmamahal sa amo, pinilit agawin ang bag mula sa mga snatchers.

“Nakakahanga ka, Yana. Saludo ako sa’yo,’’ sabi ni Ram at nang dumating ang kanilang adviser,  sinabi nito ang kabayanihan ni Yana.

Biglang napapalakpak ang adviser at nagsunuran ang mga classmates ni Yana. Hangang-hanga sa kanya.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with