^

Punto Mo

EDITORYAL - Tiyaking ­mapuproteksiyunan ang OFWs sa Kuwait

Pang-masa
EDITORYAL - Tiyaking ­mapuproteksiyunan ang OFWs sa Kuwait

ANG Kuwait na mismo ang naghayag na tatanggap na silang muli ng domestic helpers sa Pilipinas. Mag-iisyu na muli ng working visa para sa OFWs. Ayon sa pahayag ng Kuwait Interior Ministry bumuo na raw ng isang joint committee kaugnay sa domestic labor affairs. Tutugunan daw ang anumang isyu na may kinalaman sa mga Pilipinong manggagawa.

Itinigil ng Kuwait ang pag-iisyu ng working visa noong Mayo 10, 2023. Inalis nang walang pasabi kaya maraming paparating na OFWs sa Kuwait ang naapektuhan. Ang ibang OFWs ay hindi na pinapasok sa Kuwait at pinabalik agad sa Pilipinas makaraan ang walang pasabing ban. Ang dahilan sa biglaang pag-ban, lumabag daw ang Pilipinas sa bilateral agreement na nilagdaan noong 2018. Kabilang din daw sa nilabag ay ang pagtatayo ng shelters para sa mga OFWs na minaltrato. Itinanggi naman ito ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA). Walang nilalabag na batas ang Pilipinas.

Ngayong puwede na namang magpadala ng workers sa Kuwait, nararapat na maging maingat ang DMW particular sa pagpapadala ng Pinay domestic helpers doon. Ilang beses nang hindi tumutupad ang Kuwait sa kasunduan para maproteksiyunan ang mga OFWs. Maraming OFWs ang inaabuso, minamaltrato, hindi pinasusuweldo at ang matindi, ginagahasa at pinapatay ng amo.

Noong Pebrero 2023, sinuspende ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga bagong household workers sa Kuwait dahil sa panggagahasa at pagpatay kay Jullebee Ranara. Natagpuan ang sunog na bangkay ni Ranara sa isang disyerto noong Enero 2023. Ang 17-anyos na amo nito ang gumahasa at pumatay kay Ranara. Bukod kay Ranara, pinatay din sa Kuwait sina Joanna Demafelis, Constancia Dayag at Jeanelyn Villavende. Karumal-dumal ang ginawa kay Demafelis noong 2018 na makaraang patayin ng amo ay inilagay sa freezer. Nahatulan na ang pumatay kay Demafelis. Ang tinedyer na pumatay kay Ranara ay nahatulan lamang ng mababang sentensiya kaya sumisigaw ng hustisya ang mga kaanak.

Tiyakin ng DMW na tutupad ang Kuwait sa kasunduan na bibigyan ng proteksiyon ang OFWs. Siguruhin din naman ng DMW na masubaybayan nila ang OFWs lalo na ang household workers para hindi maabuso ng employer na Kuwaiti. Bago mag-deploy ng domestic workers, magsagawa ng orientation campaign o seminar upang maintindihan nila ang kulturang Pinoy, kaugalian at nang mabawasan ang mga hindi pagkakaunawaan sa nasabing bansa.

Kung sa kabila na mayroon nang agreement ang Kuwait at Pilipinas ay magkaroon pa rin nang paglabag at hindi mapuproteksiyunan ang OFWs, dapat itigil na talaga ang pagpapadala ng workers sa nasabing bansa. Marami namang bansa na tatanggap sa OFWs. Hindi lang ang Kuwait ang langit.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with