^

Punto Mo

Text scam na naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ETO at meron na namang bagong modus ang mga kawatan na ang ginagamit ay mga traffic violations umano sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ito ang natuklasan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) kaya nga pinag-iingat nila dito ang publiko.

Kung maaari wag na lang iyong pansinin.

Ayon kay CICC Executive Director Alexander Ramos, namonitor nila ang bagong wave ng text scam na tina-target naman ang mga motoristang may record ng traffic violation.

Kadalasan aniyang may kalakip itong link sa isang pekeng website kung saan hihingin ang plate number ng motorista at pagbabayarin ito sa pamamagitan ng online payment channels.

Una nang nilinaw ng MMDA na hindi sila nagpapadala ng text message para pagbayarin ang motorista sa pamamagitan ng link.

Kailangan talagang maging mapanuri sa mga natatanggap na ganitong mensahe.

Hindi nauubusan ng modus ang mga kawatan na ito, sangkot sa text scams.

Wala pa ring tigil sa kaiisip ng bagong modus para magkulimbat sa kabila ng umiiral na batas sa SIM card registration.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with