^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat sa dengue

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-ingat sa dengue

Tumataas ang kaso ng dengue. Ayon sa Department of Health (DOH), 5,369 kaso ng dengue ang naitala mula Abril 28 hanggang Mayo 11. Sa pagpasok ng rainy season, inaasahan na darami pa ang kaso ng dengue. Noong nakaraang taon, umabot sa 48,109 ang kaso ng dengue.

Ayon sa PAGASA, dalawa o tatlong bagyo ang dadalaw sa bansa ngayong buwan. Inihayag din ng PAGASA ang pagpasok ng La Niña sa Hulyo. Inaasahan na ang malalakas na ulan na magdudulot ng pagbaha. Sa ganitong panahon dumarami ang mga lamok na naghahatid ng dengue. Nangingitlog ang mga lamok sa mga hindi umaagos na tubig, mga basyo ng bote, tapyas na goma ng sasakyan, mga paso ng halaman at iba pang lalagyan na nakalantad sa ulan.

Paborito ring tirahan ng mga lamok ang mga damit na nakasampay sa madidilim na bahagi ng bahay, bodega at mga bahay na nakasara sa matagal na panahon. Ang mga halaman na malalago ang dahon ay paborito ring tirahan ng mga lamok.

Noong nakaraang taon, nangunguna ang National Capital Region sa pinakamaraming tinamaan ng dengue. Sinundan ito ng Calabarzon at Davao. Apat ang naitalang namatay at pawang mga bata.

Ang lamok na Aedes Aegypti ang pinanggagali­ngan ng dengue. Madaling makilala ang lamok na ito sapagkat may guhit na puti at itim sa katawan. Sa araw lang nangangagat ang lamok na ito. Ayon sa DOH, may isa pang lamok na pinanggalingan din ng dengue—ang Aedes albopictus.

Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, pananakit ng ulo at mga kasu-kasuan, pagkakaroon ng rashes, at ang ihi ay kulay kape. Ipinapayo ng DOH na kapag nakaranas ng ganitong mga sintomas, kumunsulta agad sa doktor para hindi lumala ang dengue.

Karaniwang mga bata ang biktima ng dengue. Natigil ang pagbabakuna sa dengue dahil sa Dengvaxia controversy noong 2016. Ipinapayo na pagsuutin ng padyama ang mga bata para may proteksiyon sa lamok. Ipinapayo rin ang paggamit ng kulambo at ang 4s strategy. Ang 4s ay: search and destroy breeding places, secure self-protection, seek early consultation at support fogging or spraying in hotspot areas.

Palawakin ng DOH ang pagbibigay ng kaalaman sa dengue at paigtingin din ang kampanya para malipol ang mga lamok. Marami pang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo ang mga nasa liblib na barangay. Kung ang lahat ay may kaalaman sa panganib ng dengue, walang mamamatay.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with