^

Punto Mo

Maid of Honor (135)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“WALA nang nakatira sa bahay ni Rocky sa Calumpang,’’ pagbabalita ni Honor kay Inah. Tinawagan niya si Inah sa phone. “Sabi ng kapitbahay matagal na raw hindi umuuwi si Rocky.’’

“Nasaan kaya siya Kuya Honor?’’

“Hindi ko alam, Inah. Ngayong araw na ito, pupun­tahan ko ang kapatid niyang police general. Baka may masabi na ukol kay Rocky.’’

“Hindi po kaya may masamang nangyari kay Kuya Rocky—hindi po kaya patay na siya?’’

“Hindi naman siguro. Baka gusto lang mapag-isa kaya hindi nagpapakita. Palagay ko, dinamdam nang labis ang pagkawala ng asawa niya. Mahal na mahal kasi ni Rocky ang asawa.’’

“Talaga po siguro na hindi niya matanggap ang pagkawala ng asawa.’’

“Oo.’’

“Nakita mo na po ba ang asawa ni Kuya Rocky?’’
“Hindi. Pero base sa kuwento ni Rocky, napakaganda ng asawa niya.’’

Napatangu-tango si Inah.

“Sige Inah, tatawagan kita at ia-update sa nangyari kay Rocky.’’

“Sige po Kuya Honor. Salamat.’’

Pagkatapos ng pakikipag-usap, gustong mapaiyak ni Inah. Ano kaya ang nangyari kay Rocky? (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with