^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi haka-haka ang ­nararanasang hirap

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi haka-haka ang ­nararanasang hirap

HAKA-HAKA lamang daw ang sinasabing naghihirap ang mga Pilipino, sabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon. Produkto lamang daw ito nang malawak na imahinasyon. Wala raw katotohanan na naghihirap ang mga Pilipino. Sa katunayan daw, bumaba ang poverty rate sa bansa, mula 24.7 percent ay naging 23.4 percent na lamang.

Paano raw masasabing nagdaranas ng kahirapan ang mga Pilipino gayung dagsa ang mga ito sa mall. Napakaraming kumakain sa fastfoods. Lahat daw ng branches ng foodchains ay punumpuno ng mga tao.

Ayon pa kay Gadon, maraming bagong sasakyan sa kalsada. Kaya raw napakatrapik ay dahil napakara­ming sasakyan. Ibig daw sabihin niyan, maganda ang ekonomiya at mataas ang purchasing power ng mga Pilipino. Kaya haka-haka lamang nang marami ang tungkol sa sinasabing naghihirap ang mga Pilipino.

Pinuri naman ni Gadon ang Marcos administration sa magandang pamamahala kaya nararapat lamang daw na suportahan. Huwag daw maniwala sa mga naninira na hindi maganda ang pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon.

Binatikos naman si Gadon sa sinabing haka-haka lang ang nararanasang kahirapan. Dapat daw lumabas sa kanyang aircon na opisina si Gadon para makita ang tunay na kalagayan ng mga mahihirap na isang beses lang kumakain sa maghapon.

Sumasalungat ang mga sinabi ni Gadon sa ginagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap.

Kung haka-haka lang, bakit namumudmod pa ng ayuda ang DSWD sa mga tao? Nagsisinungaling ba ang DSWD? Bukod sa ayuda, patuloy din ang Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD kung saan pinagkakalooban ng tulong-pinansiyal hindi lamang sa pagkain kundi pati sa pag-aaral ng mga anak.
Kung haka-haka ang sinasabing kahirapan, mas ­mabuting itigil na ng DSWD ang pamamahagi ng ayuda at ilaan na lamang sa mga proyekto.

Ang pinagbabasehan ni Gadon kaya nasabing haka-haka ang kahirapan ay ang mga nakikitang tao sa malls, fastfoods at mga bagong sasakyan subalit kung magtutungo siya sa mga liblib na barangay lalo sa Mindanao, makikita niya ang katotohanan. Maraming maysakit na hindi makapagpaospital dahil sa kawalan ng pera at naghihintay na lamang ng kamatayan. Marami ang walang sariling tahanan. Marami ang walang trabaho. Maraming bata ang hindi makapag-aral dahil sa kawalan ng pera at walang makain.

Hindi haka-haka lamang ang mga ito. Totoo ang mga ito. Imulat sana ni Gadon ang kanyang mga mata sa katotohanan.

LARRY GADON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with