^

Punto Mo

Mga salot sa bansa, tayo rin ang lumikha

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKABABAHALA na ang kalagayan nating mga Pilipino dahil sa iba’t ibang uri ng kalamidad na sumasalanta sa bansa.

Sa paglaki ng ating populasyon ay walang itinatapat na mga programang pang-ekonomiya ang gobyerno, bagkus ay ipinalalamon tayo sa ibayong kahirapan dahil instrumento rin ito sa sarili nilang kapakanan. Kapag may mahirap, ayudang may “kupit’’ lang ang katapat!

Ang sapat na pondo para sa edukasyon at kalusugan ay nakaugit sa ating Saligang Batas, pero mas binibigyan ng atensiyon ng gobyerno ang sigaw nang paghingi ng “ayuda’’ ng mga kulang sa abilidad na mamamayan.

Kapag malusog at matalino nga naman ang mamamayan, mabibisto ang katiwalian. Kaya pondo ay kinaltasan!

Tayo ang naglagay sa kanila sa panunungkulan kapalit ng mga pangakong pauunlarin ang ating bayan, pero nang maupo sa puwesto ay naging sakim na at ayaw ng bumitaw sa kapangyarihan.

Kaparte na sa plano ng mga ito ang tampalasanin ang pamumuhay ng mga Pilipino kasakdalang mas mapalawak ang kahirapan. Ayuda lang ang kailangan!

Bantad na ang koneksiyon ng mga pulitiko sa mga dayuhang negosyante na nagmamay-ari ng mga minahan ng tanso, bakal at ginto na namiminsala ng kalikasan at tumatampalasan sa kabuhayan ng mga magsasaka. Matinding salot ‘yan!

Lumala ang smuggling ng bigas at iba’t ibang agricultural products. Gumana ng husto ang extor­t­ion sa Bureau of Customs na ang namumuno ay presidential appointees. Siyempre, bukod sa ingreso ay aambag pa ‘yan sa salot ng maruming eleksiyon!

Ang salot ng kalusugan, kahirapan at masamang epekto ng pagmamalabis ng mga iligalistang dayuhan ay nagdulot na sa bansa ng kalituhan dahil sa mga iresponsableng regulasyon na kinukunsinti ng mga kongresista at senador ng bayan.

Bumabagsak ang moral ng mamamayan at lumilikha ito ng matinding kawalan ng pag-asa. Sinasamantala naman ito ng mga pulitikong ang pakay ay manatili sa posisyon at maisalin pa ito sa kanilang kaanak.

Tayo ang nagluluklok sa kanila noon, tayo rin ang dapat na sumibak sa kanila ngayon, upang hindi tayo masisi ng mga salinlahi natin sa susunod na panahon.

GOVERNMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with