^

Punto Mo

EDITORYAL — Bagong banta ng DA sa agri smugglers

Pang-masa
EDITORYAL — Bagong banta ng DA sa agri smugglers

NAGBANTA na naman ang Department of Agri­culture (DA) laban sa agricultural smugglers, hoarders, profiteers at may cartel operations. Maraming beses nang nagbanta ang DA laban sa mga iti­nu­turing na nananabotahe sa ekonomiya. Ang bagong pag­babanta ng DA ay kasabay sa pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act (RA 12022).

Ayon sa DA, mas pinaigting nila ang kampanya laban sa iligal na kalakalan sa agrikultura na labis na sumisira sa kabuhayan ng mga lokal na magsa­saka at mangingisda. Layunin ng kampanya na ma­panatili ang matatag na sector ng agrikultura sa bansa. Ang RA 12022 ay nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 26, 2024.

Ayon sa DA, para maipatupad ang batas, nagtatag rin sila ng enforcement group na kinabibilangan ng mga miyembro ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Philippine Coast Guard at Department of Finance. Sinabi pa ng DA na sa pa­ma­magitan ng enforcement group, maayos at epek­tibong maipatutupad ang batas at ganap na malilipol ang agri smugglers, hoarders at iba pang itinuturing na salot sa ekonomiya.

Ang tanong ay kung mapaninindigan ng DA ang bagong pagbabanta o tulad din ng mga nakaraang banta na hindi naisakatuparan dahil walang ngipin. Maski si President Marcos ay ilang beses na ring nagbanta na ang una ay inihayag pa niya sa State of the Nation Address (SONA). Hahabulin aniya ang mga smugglers na labis na nagpapahirap sa mga mag­sasaka at sa bansa. Pero katulad din ng banta ng DA, nauwi rin sa wala sapagkat lalong namayagpag ang agri smugglers.

Noong nakaraang Enero 2025, bumisita si Agri­culture Secretary Francisco Tiu-Laurel sa isang palengke sa Pasay City at sinabi niya na totoong may nangya­yaring agricultural smuggling. Para patunayan, itinuro niya ang mga gulay na onion sticks, Chinese yam, large broccoli at paminta na nasa lalagyan na may Chinese characters.

Sinabi pa ni Tiu-Laurel na kaya nagkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga gulay ay dahil sa smuggling. Ipinag-utos ni Tiu-Laurel na imbestigahan ang mga smuggled na gulay at papanagutin ang mga nasa likod ng smuggling.

Mula noon, wala nang narinig kung nagkaroon ng imbestigasyon sa mga smuggled na gulay. Wala nang balita kung ano ang mga sumunod na hakbang laban sa smugglers. May nadakma kaya ang DA?

Ngayon may bagong banta na naman ang DA at maaring wala na naman itong kapupuntahan. Dapat­ malaman ng DA na walang silbi ang pagbabanta sa agri smugglers, hoarders at iba pa kung walang ka­akibat na aksiyon.

SMUGGLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with