^

Punto Mo

Mga tusong negosyante, bantayan ngayong La Niña

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAGPAPAALAM na ang El Niño. Babay na sa mainit na panahon. Ngayong araw na ito, papasok na sa bansa ang kauna-unahang bagyo para sa 2024. Ayon sa PAGASA magpapaulan ito sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon. Bagama’t hindi pa iniaanunsiyo ng PAGASA ang pagsisimula ng rainy season, nagpapahiwatig na ng pag-ulan. Madalas na tuwing hapon hanggang gabi ay umuulan at nagdudulot ng baha.

Sinabi ng PAGASA na posibleng maramdaman ang La Niña sa Hulyo at tatagal hanggang Nobyembre. Ang La Niña ay weather phenomenon na hindi pangkaraniwan ang dami ng binubuhos na ulan. Ayon pa rin sa PAGASA, kapag matindi o mapaminsala ang idinulot ng El Niño, ganito rin katindi ang mararanasan sa La Niña. Magkakaroon ng mga malalakas na pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa. Noong 1999, naranasan ang malakas na La Niña, kung saan walang patid ang ulan. Nagkaroon ng landslide sa maraming lugar. Isa ang Cherry Hills Subdivision sa Antipolo City na naguho dahil sa paglambot ng lupa. Namatay sa trahedya ang 58 tao.

Huli namang naranasan sa bansa ang La Niña noong Nobyembre 2021 na nagdulot din ng grabeng pag-ulan, baha at pagguho ng lupa sa maraming lugar sa Luzon.

Pero ang pinakadapat bantayan sa pananalasa ng La Niña ay ang mga tusong negosyante na sinasamantala ang pagkakataon. Marami sa kanila ang itinatago o hino-hoard ang mga paninda at saka ilalabas pero doble o triple na ang presyo.

Dahil wala nang pagpipilian at nagugutom na ang mga biktima ng kalamidad, mapipilitan na silang bumili ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Hindi lamang sa pagkain nagpapatong nang mataas na presyo ang mga “buwitreng” ­negosyante kundi pati na rin sa construction materials gaya ng yero, semento, coco lumber, pako at iba pa. Sinasamantala nila ang pagkakataon.

Ang pagkilos ng Department of Trade and Industry (DTI) sa panahon ng La Niña ay dapat maging masidhi para mabantayan ang mga “buwitre”. I-monitor ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ang sinumang negosyante na nagsasamantala ay nararapat patawan nang mabigat na parusa. Tanggalan sila ng lisensiya. Kung hindi masasampolan, uulit muli ang mga “buwitre”. Putulin ang kanilang pagsasamantala!

vuukle comment

LA NIñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with