Gaano katagal ang preventive suspension?
Dear Attorney,
Legal po ba na i-extend ng HR ng kompanya namin ang aking preventive suspension? Isang buwan na po kong suspended pero ngayong i-extend daw ay with pay na. —Jay
Dear Jay,
Ayon sa Omnibus Rules Implementing the Labor Code, ang preventive suspension ay maaring magtagal lamang ng hanggang tatlumpung (30) araw. Pagkalipas ng 30 araw ay kailangan ng pabalikin ang employee sa kanyang trabaho.
Hindi naman ibig sabihin nito ay hanggang 30 araw lang ang itatagal ng preventive suspension. Maari itong i-extend o palawigin ng higit sa 30 araw pero kailangan ng bayaran ang empleyado ng kanyang sahod at ibang benepisyo sa loob ng extended na panahon ng suspension.
Kaya may basehan naman sa batas ang ginawang pag-extend ng HR ninyo sa iyong preventive suspension basta’t with pay na ito at makakatanggap ka na ng iyong regular na sinasahod.
Kung hindi pa rin kasi babayaran ang empleyadong nakasailalim pa rin sa preventive suspension matapos ang 30 araw ay maari nang maharap sa reklamong constructive dismissal ang employer.
- Latest