Ilang kaalaman tungkol sa katawan
1. Bumabaho ang pawis sa kilikili at singit pero hindi sa ibang parte ng katawan. Bakit? Ang ating katawan ay may dalawang uri ng sweat glands. Ang sweat glands sa braso, binti at ibang parte ng katawan ay naglalabas ng pawis mula sa tubig at asin na ating kinain. Ngunit ang inilalabas ng sweat glands ng kilikili at singit ay pawis na may oily substance na gustung-gusto kainin ng bacteria. Ang bacteria na ito ang nagiging dahilan kaya nangangamoy ang pawis.
2. Habang tumatanda, ang ating paa ay nagiging one size bigger. Tumitigil ang pagtangkad o paglaki ng paa pagsapit ng 24 years old. At habang tumatanda, ang ligaments, muscle at buto ay nagiging mas “relaxed”. Halimbawa, ang arko ng talampakan ay nagiging flat sa pagdaan ng mga araw dahil nagiging overweight o sobrang active ang lifestyle kaya “mechanically” ito ay humahaba o lumalapad.
3. Bakit mas ginawin ang mga babae kaysa mga lalaki? Mas manipis ang muscle tissue ng mga babae kaysa mga lalaki. Ang muscle tissue ang lumilikha ng init sa katawan.
4. Bakit minsan ay biglang nagtu-twitch (kusang kumikirat/kumikibot) ang eyelids o talukap ng mata? Ayon sa matatanda noong araw, kumikibot daw ang ating mata dahil may nakain daw tayong tira ng butiki. Pero ang katotohanan, ang involuntary twitching ay resulta ng sobrang stress, sobrang caffeine, poor diet, walang exercise, or side effect ng gamot na iniinom.
- Latest