^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga pulis na ‘trigger happy’

Pang-masa
EDITORYAL - Mga pulis na �trigger happy�

MAY mga pulis pa ring nagpaputok ng baril sa kabila nang babala na huwag magpapaputok. Tatlong pulis ang iniulat na nagpaputok ng kanilang baril noong Disyembre 31. Nahuli rin naman sila at kinasuhan na, ayon sa PNP.

Isa sa mga pulis ay nakadestino sa Zamboanga City. Lasing na lasing umano ang pulis. Inilabas nito ang kanyang service firearm at nagtungo sa likod ng kanilang barracks at doon nagpaputok ng ilang beses. Dinisarmahan ng kanyang mga kasamahan ang pulis at sinampahan ng kasong kriminal at administratibo.

Inaalam pa ang tungkol sa dalawang pulis na nagpaputok din ng kanilang baril noong bisperas ng Bagong Taon. Mahaharap din sa kasong administratibo at criminal ang dalawa.

Tatlo naman ang tinamaan ng ligaw na bala at isa ang namatay. Nangyari ang mga insidente sa Sta. Maria, Bulacan, Baguio City at sa Mariveles, Bataan. Namatay ang lalaking biktima sa Mariveles makaraang tamaan ng bala. Ayon sa mga kasama ng biktima, nakatayo umano ang biktima sa veranda ng kanyang  bahay nang biglang bumagsak. Nang daluhan ng mga kasama, duguan at may tama sa tagiliran.

Isang pari naman sa Baguio City ang tinamaan ng ligaw na bala sa kanang balikat. Ayon sa pulisya, tapos nang magmisa ang pari at nanonood ng fireworks display nang maramdaman na may tumama sa kanyang balikat. Nang salatin ng pari ang balikat, may dugo. Dinala sa ospital ang pari at nasa maayos nang kalagayan. Ang bala na nakuha sa lugar ng insidente ay mula sa 9mm na baril.

Inaalam ng PNP kung ang mga nagpaputok ng baril sa mga nangyaring indiscrimate firing ay mga pulis o sundalo. Nakapagtala naman ang PNP ng 13 kaso ng insidente ng illegal discharge of firearms kung saan 13 ang naaresto.

Marami nang namatay dahil sa indiscriminate firing at karamihan sa mga ito ay bata. Halimbawa ay si Stephanie Nicole Ella, 7, ng Caloocan City na tinamaan ng bala noong Enero 1, 2013 habang nanonood ng fireworks malapit sa kanilang bahay. Masayang nanonood si Stephanie Nicole, kasama ang kanyang mga pinsan ng mga sinindihang pailaw nang biglang bumagsak ang bata. Dumudugo ang ulo. Dinala sa ospital pero makalipas ang isang araw namatay ito. Hindi na nahuli ang suspek na umano’y isang pulis.

Ganito rin ang nangyari kay Emilyn Villanueva Calano, 15, ng Malabon City noong Enero 2017. Nanonood din si Emilyn ng fireworks nang tamaan ng ligaw na bala sa ulo. Namatay si Emily. Hindi naaresto ang suspek.

Marami pa rin ang “trigger happy” at nakalulungkot na karamihan sa kanila ay pulis. Kailan kaya mawawala ang mga makakati ang daliri sa gatilyo? Nararapat na may masampolan sa kanila para wala nang malalagim na insidente na tinamaan ng ligaw na bala.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with