Rufus inokray si Manuel
Pinagmukhang camote rider ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel nang pagdebatehan nila ang Charter change. Sa kembot Tik-Tok lang pala magaling si Manuel.
Ipinagpilitan ni Manuel na hindi makabubuti sa bansa ang pagpapahintulot sa foreign investors na mapalaki ang kaparte sa ilalagay na negosyo sa bansa. Sa kasalukuyan, 40 percent lamang ang parte ng foreign investors.
Nagpakita ng dokumentadong presentasyon si Rufus sa kulelat na kalagayan ng bansa sa kalakalan dahil mahigpit ang batas sa dayuhang mamumuhunan. Umiling sabay irap si Manuel. Magpakatotoo na lang kasi.
Tama ba Congresswoman Geraldine Roman?
May masamang dulot ang kasalukuyang batas na sumasakal sa karapatan ng foreign investors. Napipilitan ang mga ito na gumamit ng dummy partners kapag walang makuhang 60 percent na kasosyo. Kaya nakalalabag sa batas.
Ibinabando ni Manuel ang isyu ng ENDO na napakalayo sa tinutumbok ng argumento. Ang kailangan ng bansa ay capitalization muna para may gumulong na Negosyo. Saka na pag-usapan ang pagsasaayos ng batas para sa kapakanan ng manggagawa.
Hindi rin nalalayo rito ang isyu ng Maharlika Welfare Fund na uutangin sana sa GSIS upang gamitin sa proyekto ng gobyerno. Pinutakti agad nang mga taga-oposisyon kabilang ang makabayan bloc sa kongreso. Para namang hindi sila kasali sa kabawasan. Buseeet!
Baka naman kinakabahan sila na mapagtibay na alisin na ang partylist representatives sa kongreso. Puwede naman talaga.
Tama ba Vice Ganda?
- Latest

















