Ano sila bago maging diktador?
Adolf Hitler:
Naging post card painter muna siya bago maging super bad dictator. Nag-aplay sa Academy of Fine Arts sa Vienna ngunit hindi nakapasa dahil nakitang “unfit for painting”. Nag-suggest ang Academy na kumuha na lang siya ng architecture, pero sa halip ay naging “architect of war”.
Benito Mussolini:
Ang 40th Prime Minister ng Italy. “Brutal dictator” at role model ni Hitler. Binuwag niya ang Senate at kinargahan ng kung anu-anong buwis ang mayayaman. Bago niya “hinubaran” ng kalayaan at inabuso ang kanyang mga kababayan, siya muna ay naging guro sa elementarya, manunulat ng maikling kuwento at nobela. “Cardinal’s Mistress” ang isa sa isinulat niyang nobela tungkol sa pari na may kabit.
Pol Pot:
Naging lider ng Cambodian communist movement na kilala sa tawag na Khmer Rouge. Noong 1976 ay naging Prime Minister ng Cambodia. Ang mga tao ay pinilit niyang pumunta sa kabukiran upang magtrabaho nang sapilitan na nagresulta ng kamatayan ng 21% na Cambodian. Ngunit bago siya naging diktador, siya ay naging propesor ng French literature sa kolehiyo.
Francois “Papa Doc” Duvalier:
Nanalong Presidente ng Haiti noong 1957 ngunit napasarap sa posisyon kaya idineklara niya ang sarili na President for Life. Ipinapapatay niya ang sinumang kumontra sa kanyang pamumuno. Isa siyang mahusay na doctor ng tropical disease bago naging matakaw sa kapangyarihan.
Mao Tse-Tung:
Founder ng Communist Party ng China. Pinamunuan niya ang China mula 1949 to 1976 at responsable sa kamatayan ng mahigit na 50 milyong Tsino. Pero bago maging bad boy ng China, siya ay makata at Philosopher na mahilig magbasa ng mga libro. Ang pagiging palabasa ang nagtulak sa kanya upang maging librarian ng Peking University.
- Latest