^

Punto Mo

Pinakamahal na tupa sa buong mundo, naibenta ng kalahating milyong dolyar

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG tupa na nagngangalang Double Diamond ang na­ibenta sa Scotland ng kalahating milyong dolyar dahil sa ma­gandang lahi nito mula sa kanyang diumano’y perpek­tong genes.

Isang Texel lamb si Double Diamond at karaniwang malaki ang bentahan para sa nasabing uri ng tupa dahil sa kanilang karne at balahibo na ginagamit sa pananahi.

Ngunit angat pa rin si Double Diamond sa  kanyang mga kapwa Texel lambs dahil sa taglay raw nitong “perfect genes” kaya naman pinag-aagawan siya ng mga nagpapalaki ng tupa.

Nasa walong katao ang naglaban sa bidding para kay Double Diamond. Sa tindi ng naging bidding ay nagkampi ang tatlo sa mga ito upang maungusan nila ang iba pang nag-aasam sa tupa kaya naman lumobo sa kalahating milyong dolyar ang presyo ni Double Diamond. Iyon na ang pinakamalaking presyo para sa isang tupa.

Noong 2009, naibenta naman sa halagang $307,000 ang isa ring tupa.

vuukle comment

DOLLARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with