Teenager, nagdisenyo ng relo na pumipigil sa may suot na humawak sa kanilang mukha
ISANG 15-anyos na imbentor sa Britain ang nagdisenyo ng relong pumipigil sa may suot nito na hawakan ang mukha nila upang maiwasan ang impeksyon ng COVID-19. Tinawag niya itong Vybpro watch.
Ayon kay Max Melia ng Bristol, England, noon pa nila naisip ng kanyang ina ang konsepto ng relo upang maiwasan ang pagkahawa sa sipon at trangkaso ngunit ngayon lang nila sineryoso ang paggawa nito dahil sa matinding panganib ng coronavirus.
Dagdag motibasyon din kay Max nang magpositibo sa COVID-19 ang kanyang mga magulang.
Nakipagtulungan siya sa isang product designer upang magawa ang prototype ng relo, na nagva-vibrate kapag lumalapit na sa mukha ang kamay ng may suot nito.
Bukod sa pag-vibrate, tutunog din ang relo kapag malapit na ang kamay sa mukha upang hindi talaga makalimot ang may suot nito.
Balak ni Max na ibenta ang Vybpro ng $111 (katumbas ng P5,550) sa darating na Setyembre.
- Latest